Make your 2X MATCHED gift today!
This week only: Every $1 will be matched with $2 to empower women worldwide.
This week only: Every $1 will be matched with $2 to empower women worldwide.
Hindi inaasahan ng karamihan na ang pagbibigay ng puhunan sa mga negosyo ng kababaihan ay magpapataas ng panganib o insidente ng child labor o hindi maayos na kalagayan ng pagtatrabaho. Subalit, sinasabi ng Pre-Situational Analysis (PSA) na isinagawa ng RICHES initiative na kahit mayroong malakas na kultura ng pagnenegosyo sa mga kababaihang Pilipino, marami silang kinakaharap na mga hadlang na maaaring maglimita ng kanilang tagumpay. Ang mga nakakakuha ng akses sa microcredit ay maaaring magtamasa ng pagtaas sa kita, subalit ang mga hindi flexible na terms ng pagbabayad ng utang, kakulangan ng social proteksyon at iba pang mga hamon ay maaaring lumikha o magpalala ng mga sitwasyon ng child labor at hindi maayos na kondisyon ng pagtatrabaho. Kahit lubos na pinahahalagahan at inuuna ng mga magulang at kanilang mga anak ang edukasyon, kadalasan ay walang sapat na pera ang mga pamilyang may mababang kita upang mapunan ang mga gastos sa bahay at edukasyon kung kaya’t napipilitang silang umasa sa child labor. Dagdag pa rito, bagamat ang mga polisiya at programa ng pamahalaan na naglalayong sugpuin ang child labor ay tinatangkang gawing multi-sektoral, hindi palaging naisasama ng mga ito ang mga stakeholder na nagtataguyod ng small and medium enterprises kung saan madalas na matagpuan ang child labor o ang mga nagtataguyod ng women’s economic empowerment (WEE) tulad ng mga financial service providers at mga organisasyong sumusuporta sa negosyo ng kababaihan para maisaalang-alang ang mga isyu ng child labor at mga kondisyon sa pagtatrabaho. Upang matugunan ang mga problemang ito, may mga mungkahi ang RICHES project na mga pangunahing polisiya at mga istratehiya na maaaring ipatupad ng mga kalahok sa WEE sa lebel ng organisasyon at kliyente. Ang ilan sa mga rekomendasyon para sa Pilipinas ay: pataasin ang kamalayan sa mga panganib ng child labor at hindi maayos na kalagayan ng pagtatrabaho sa parehong mga kasali sa WEE at sa kanilang mga kliyente; pagbuo at pagbibigay ng isang komprehensibong hanay ng mga serbisyong pampinansyal na makakatulong sa mga babaeng negosyante para pangasiwaan ang mga risgo at para simulan at palaguin ang kanilang mga negosyo; magsagawa ang mga pag-uusap sa loob ng sambahayan na nagtataguyod ng positibong pagdedesisyon at pagpaplano; at pag-uugnay ng mga kliyente sa mga serbisyong pang-social protection upang matugunan ang kanilang komprehensibong pangangailangan.